top of page

MEDIATION AND RECONCILIATION COUNCIL


Photo Courtesy: Cotabato City Government

COTABATO CITY LGU, BUMUO NG MEDIATION AND RECONCILIATION COUNCIL KASUNOD NG BARILAN SA RH 10; COTABATO CITY PNP, MAGDADAGDAG NG OUTPOST


Cotabato City - Bumuo ng Mediation and Reconciliation Council ang Cotabato City Government kasunod ng nangyaring barilan sa Barangay Rosary Heights 10 noong nakaraang linggo. Magdadagdag din ng outspots sa syudad ang Cotabato City PNP at inaasahan na maglalagay din ang Philippine Marines


Pinulong ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang Cotabato City PNP at Philippine Marines hinggil sa peace and order ng syudad at naganap na barilan sa Barangay Rosary Heights 10 noong nakaraang linggo.


Sa pulong, nilikha ang Mediation and Reconciliation Council. Layon nito na mapadali ang pag-aayos ng mga hindi pagkakaunawaan at mga alitan sa lungsod.


Magdadagdag din ng police outposts ang Cotabato City PNP at inaasahan na maglalagay rin ng outposts ang Philippine Marines.


Matatandaang, ginulantang ng mga putok ng baril ang mga residente ng barangay RH-10 noong nakaraang linggo.


Ayon sa PNP, patuloy pa ang kanilang isinasagawang imbestigasyon mula sa kampo ng isang Cedric Tan at kampo ni kapitan Bimbo Ayunan.

5 views0 comments