top of page

MEDICAL EQUIPMENT, IPINAMAHAGI NG MOH-BARMM SA AMAI PAKPAK MEDICAL CENTER SA MARAWI CITY

Kate Dayawan | iNews | January 18, 2022



Courtesy: MOH- BARMM



Cotabato City, Philippines- Iba't ibang medical equipment ang ipinamahagi ng Ministry of Health sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City noong araw ng Sabado, January 15. Layon ng pamamahaging ito na mas mapabuti pa ang serbisyong ibinibigay ng pamahalaan sa mga mamamayan ng Bangsamoro. Pinangunahan mismo ni Health Minister Dr. Bashary Latiph ang pagturn-over ng mga kagamitang medikal. Kabilang na dito ang aampung yunit ng respiratory humidifier, sampung yunit ng flowmeter trolleys at sampung oxygen concentrators. Bukod pa rito, namahagi rin ang MOH ng antiviral medicine kabilang na ang 25 boxes ng Remdesiver. Samantala, sinabi ni Minister Latiph na pinapaigting na ngayon ng Bangsamoro frontline health workers ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa buong rehiyon ng Bangsamoro. Panawagan naman nito sa mga patuloy na tumatangging magpabakuna na komonsulta ng kaalaman patungkol sa bakuna sa mga local specialist at hindi mula sa mga haka-haka lamang o mga maling impormasyon.

6 views0 comments

Recent Posts

See All