MEDICAL MISSION | FOOD PACKS

862 RESIDENTE NG MANARAPAN, CARMEN, PINAGKALOOBAN NG SERBISYONG PANGKALUSUGAN NG PROJECT TABANG AT SGDA
Carmen, Cotabato Province - Mahigit walong daang residente ng Manarapan, Carmen, Cotabato Province ang pinagkalooban ng serbisyong pagkalusugan at food packs mula sa Project TABANG at SGDA.
Sumailalim sa libreng medical consultation, check-up, laboratory testing, at tuli ang walong daan at animnapu’t dalawang residente ng Manarapan, Carmen, araw ng Miyerkules.
Ito ang serbisyong pagkalusugan na hatid ng Project TABANG at Special Geographic Development Authority.
Pinagkalooban din ng food packs ang mga residente. Ang medical mission at distribution of food packs ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng Ministry of Health, Ministry of Social Services and Development, Ministry of the Interior and Local Government, Ministry of Trade, Investments, and Tourism , Ministry of Labor and Employment , at BARMM READi.
Ang Project TABANG ang isa sa mga flagship programs ng tanggapan ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.