top of page

MEDICAL MISSION | OUTREACH PROGRAM


Photo Courtesy: Babai Akasaligan

LIBRENG MEDICAL CHECK-UP, GAMOT, TULI, BUNOT NG IPIN, EYE GLASSES, AT FEEDING PROGRAM, HANDOG NG MAGUINDANAO DEL SUR PROVINCIAL GOVERNMENT SA MGA RESIDENTE NG KAURAN, AMPATUAN


Maguindanao del Sur - Tuloy sa pagsasagawa ng Medical Mission at Outreach Program ang Maguindanao del Sur Provincial Government. Ang mga residente ng Barangay Kauran, Ampatuan ang tinungo ng team Agila.


Daan-daang residente ng barangay Kauran sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao del Sur na sumailalim sa libreng check-up sa mata ang nagbigyan ng libreng eye glasses.


Marami rin ang nakapagpatuli, at sumailalim sa tooth extraction.


May mga sumailalim sa medical check-up at mga nabigyan ng libreng gamot.


Mayroon ding nahandugan ng feeding program.


Patuloy na nag-iikot ang team Agila sa iba’t ibang bayan sa probinsya para sa

Medical Mission and Outreach Program.


Ito ay alinsunod sa direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.


Tiyak naman ang pagsasagawa ng kaparehong aktibidad sa iba pang barangay sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.



3 views0 comments

Recent Posts

See All