top of page

MEDICAL OUTREACH PROGRAM


Photo Courtesy: Municipality of Datu Odin Sinsuat


Tuloy ang pag-iikot ng lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Sur at Tiyakap DLS Foundation sa iba’t ibang barangay ng bayan para magsagawa ng Medical Outreach Program.


Mga residente ng Barangay Tambak, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang tinungo ng lokal na pamahalaan sa pagpapatuloy ng Medical Outreach Program nito kasama ang Tiyakap DLS Foundation.


Libreng medical consultaton, libreng gamot, libreng registration para sa pagkuha ng birth certificate at aplikasyon para sa Senior Citizen at PWD ang handog ng lgu sa mga residente.


Pinagkalooban din ng food packs at tig-sampung kilo ng bigas ang mga Senior Citizen, PWD, Solo Parent, Buntis at BPAT Members sa nasabing barangay.


Nagkaroon din ng orientation hinggil sa benepisyong makukuha sa pagkakaroon ng Senior Citizen ID, Solo Parent at PWDs.


Ipina-unawa rin sa mga residente ang Republic Act 9208 o ang Anti Trafficking in Persons Act of 2003 at Violence Against Women and their Children o VAWC.



0 views0 comments