top of page

MEDICAL OUTREACH PROGRAM, ISINAGAWA NG MOH KASAMA ANG TANGGAPAN NI MP DIPATUAN SA LANAO DEL SUR

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 22, 2022

Photo courtesy : MOH BARMM


Cotabato City, Philippines - Matagumpay na naisagawa ng Ministry of Health katuwang ang tanggapan ni MP Safrullah Dipatuan ang tatlong araw na medical outreach program sa mga bayan ng Buadi Puso Buntongon, Ditsaan Ramain at Bubong sa Lanao del Sur noong Sabado, March 19.


Nagbigay ng isang milyong piso si MP Dipatuan upang makapagserbisyo sa pitong daang residente mula sa tatlong bayan.


Ito ay naisagawa sa pakikipagtulungan ng IPHO-Lanao del Sur kung saan kabilang sa mga inihandog na serbisyo ay ang libreng konsultasyon, tuli at dental health services para sa mga bata.


Namahagi rin ang MOH at mga tauhan ni MP Dipatuan ng gamot at bitamina.


Bukod pa rito, nabigyan rin ang mga nangangailangan ng wheelchair at tungkod lalo na sa mga Persons with disability at senior citizens.


End.

5 views
bottom of page