top of page

MEMORANDUM OF AGREEMENT


Photo Courtesy: OPAPRU

NAC AT NBI, LUMAGDA SA ISANG MOA PARA SA AMNESTY APPLICATION NG MGA DATING REBELDE


Pasay City - Lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang National Amnesty Commission o NAC National Bureau of Investigation o NBI bilang bahagi ng proposes ng amnesty application sa dating rebelde at full integration ng mga ito sa komunidad.


Magsusumite ng formal request ang National Amnesty Commission sa NBI para suriin at i-verify ang impormasyon ng mga indibidwal na nag apply ng amnesty. Magbibigay naman ang NBI sa NAC ng mga kinakailangang impormasyon kaugnay sa record ng mga amnesty applicants.


Kapag, aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang application for amnesty ng mga dating rebelde, i-a-update ng NBI ang kanilang records.


Ang pagproseso ng applikasyon para sa amnesty ay protektado ng mga probisyon sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012.


Magtutulungan ang dalawang tanggapan para sa tinatawag na “climate conducive for peace and implementation of programs for reconciliation and reintegration of rebels into mainstream of society”.


Ito ang ilan sa nilalaman ng nilagdaang Memorandum of Agreement ng NAC at NBI na nilagdaan nina NAC Chairperson Atty. Leah Tanodra-Armamento at NBI Director Medardo G. de Lemos. Saksi sa moa signing sina NAC commissioners Atty. Nasser Marohomsalic at Atty. Jamar Kulayan, gayundin ni NBI Deputy Director for Operations Jose Justo Yap.

8 views0 comments