MGA ARMAS AT PAMPASABOG, NAREKOBER SA ISANG PINANINIWALAANG SAFE HOUSE NG BIFF SA DATU SALIBO, MAG.
Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Nadiskubre ng militar ang mga improvised explosive devices o IED at mga armas na nakatago sa isang abandonadong safe house sa boundary ng Barangaay Pendi at Barangay Pindeten ng Datu Salibo nitong linggo, October 10.
Photo courtesy : 6IB
Ayon sa ulat mula sa 6th Infanry Battalion, nakatanggap umano sila ng impormasyon sa isang sibilyan na mayroong safehouse sa Liguasan Marsh na pinaniniwalaang pag-aari ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
Sa operasyon, narekober ng militar ang labing anim na IEDs, isang kilong black powder, tatlumpu't anim na impovised blasting caps, tatlong rocket-propelled grenade explosives, mga bala at iba pang personal na gamit ng mga bandido.
Pinuri naman ni 6th ID Commander Maj Gen Roy Galido ang magandang ugnayan ng mga mamamayan sa bayan at ng militar at muling nananawagan sa mga natitira pang ekstrimista na sumuko na at magbagong buhay.
End