top of page

Mga babyahe papasok ng Zamboanga City, kinakailangang magpresinta ng negative RT-PCR test results

Kate Dayawan | iNews | January 17, 2022


Courtesy: City Government of Zamboanga


Cotabato City, Philippines- Dahil sa mabilisang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa Omicron variant, muling ipinatupad simula kahapon, January 16, ng Local Inter Agency Task Force ng Zamboanga City ang pagrequire sa lahat ng mga bumabyahe papasok ng lungsod ng negative RT-PCR o Rapid Antigen results kahit pa fully vaccinated na o nanggaling man sa mas mababang alert level na lugar. Ito ay dahil sa isinailalim ng National IATF ang lungsod sa Alert Level 3 status simula January 16 hanggang January 31. Sa muling pagpapatupad ng RT-PCR requirement, kabilang na rin dito ang mga batang nag eedad 0 hanggang 17 yrs old. Samantala, naglagay naman ng team ang City Health Office sa mga entry points tulad ng airport, seaport, Limpapa at Licomo borders upang magbigay ng librenv random Rapid Antigen Test. As of January 14, 2022, umakyat na sa 23,060 ang kabuuang COVID-19 cases sa Zamboanga City. 459 ang active cases, 29,490 ang nakarekober na habang 1,111 naman na ang nasawi. Sa 459 na aktibong kaso, 49 dito ay muling nahawaan ng virus.


13 views
bottom of page