MGA BAKA PARA SA KOOPERATIBA

Animnapu at walong baka at iba pang livestocks ang ipinagkaloob sa labing pitong kooperatiba sa probinsya ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte sa ilalim ng Oplan Bangsamoro Rapid Assistance Program ng Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailan o Project TABANG.
Photo Courtesy: Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan
Tinanggap ng labing pitong kooperatiba sa Maguindanao Del Norte at Maguindanao Del Sur, araw ng Mates ang animnapu at walong livestocks na kinabibilangan ng baka.
Sa tulong ng tanggapan ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim sa ilalim ng livelihood component ng Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o PROJECT TABANG, isinagawa ng Oplan Bangsamoro Rapid Assistance ang distribusyon ng mga livestock.
Layon nito na maitaguyod ang pangmatagalang programa para sa mga magsasaka at fisherfolks at tugunan ang kawalan ng access sa agricultural productions sa Bangsamoro Region.
Ang mga kooperatiba na benepisyaryo ng programa ay mula sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, North Upi, Parang, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, Datu Blah Sinsuat, Guindulungan, at Datu Saudi Ampatuan.