Kate Dayawan

(Photo courtesy: Pasada Balita Ngayon)
COTABATO CITY — Kahapon, April 26, mahigpit na binantayan ng PNP, AFP at Commission on Elections sa pakikipagtulungan ng Bangsamoro Free Election Movement ang paghahatid ng mga election paraphernalia mula Davao Hub patungo sa probinsya ng Maguindanao at Cotabato City.
175 Officials Ballots ang ibinaba ng mga ito sa Cotabato City People’s Palace na pormal namang tinanggap ni City Treasurer’s Office para sa safekeeping.
Upang ganap na masiguro na ligtas at silyado, dalawang AFP at dalawang PNP personnel ang itatalaga na magbabantay nito hanggang sa alas tres ng madaling araw ng Mayo a nuwebe.
Bukod dito ay magtatalaga rin ng election monitor sans para sa mga taong naglalabas pasok sa lugar kung saan ito nakatago upang masiguro ang transparency at accountability nito nang sa ganoon ay magkaroon ng kapani-paniwala, tapat at maayos na election.
Una nang inihatid ng F2 Logistics ang mga official ballot sa Provincial Capitol ng Maguindanao kung saan ay maayos rin itong tinanggap ng Provincial Treasurer’s Office para sa safekeeping.