top of page

MGA BARIL AT GRANADA, NAKUMPISKA NG MILITAR SA KASAGSAGAN NG ISANG RIDO SETTLEMENT

Kate Dayawan | iNews | January 13, 2022


Courtesy: Western Mindanao Command


Cotabato City, Philippines- Habang pinag-aayos ni Barangay Bangon Chairwoman Rachma Benito at Hadji Daud Marohom ng Pagayawan, Lanao del Sur, isang kahinahinalang indibidwal ang nakakuha ng atensyon ng mga tropa ng 51st Infantry Battalion. Nilapitan ng tropa ang nasabing indibidwal na nagngangalang Farhan, bente anyos at residente ng nasabing barangay. Pinakiusapan ng tropa si Farhan na buksan ang U-box ng motorsiklo nito at dito na nga natagpuan ang isang hand grenade. Agad na naglatag ng imbestigasyon ang otoridad. Nakiusap naman ang nasabing indibidwal na samahan ito sa kanilang tahanan kung saan kanyang itinurn-over ang tatlong caliber .45 pistol na may mga magazine at bala. Agad namang initurn-over ng militar ang nahuling indibidwal at mga baril at granada sa kustodiya ng Pagayawan Municipal Police Station.

23 views
bottom of page