top of page

MGA BINAHANG PAMILYA SA DATU ABDULLAH SANGKI, MAGUINDANAO, BINIGYAN NG TULONG NG MSSD-BARMM

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 22, 2022

Photo courtesy : MSSD


Cotabato City, Philippines - Abot sa 73 pamilya sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao ang nabigyan ng relief assistance ng Ministry of Social Services and Development matapos na maapektuhan ng pagbaha sa bayan dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog bunsod ng malakas na buhos ng ulan.


Ang mga nasabing pamilya ay nakatanggap ng tig-25 kilos ng bigas kung saan isinagawa ang distribusyon sa Purok 7, Barangay Mananding sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare Office sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.


Ang pamamahaging ito ng MSSD ay isang agarang pagtugon sa mga nangangailangan sa ilalim ng Emergency Assistance Program ng Disaster Response Management Division.


Sa kasalukuyan, patuloy pa ring minomonitor ng lokal na pamahalaan at MDRRMO ang lebel ng tubig sa ilog.


End.


3 views
bottom of page