Kate Dayawan | iNEWSPHILIPPINES

Araw ng Lunes, August 15, bumisita sa tanggapan ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang iba't ibang lider ng simbahan sa lungsod.
Ang mga ito ay nag-alay ng dasal para sa alkalde upang bigyang gabay ang kanyang pamumuno sa Cotabato City.
Malugod namang tinanggap ni Matabalao ang mga ito at binigyang diin na bukas ang Pamahalaang Lungsod sa lahat.
Aniya, sa mga nagdaang taon na sinubok ang katatagan ng lahat mula sa maraming bagyo at sakuna dulot ng pandemya ngunit ang pananampalataya pa rin ang nagpatibay sa lahat.