top of page

MGA CAST NG “ANG PROBINSYANO”, NAGPAALAM NA

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Makasaysayan at emosyonal na pagpapaalam. Ganito ang paglalarawan at naging eksena ng mga cast ng longest running show na “Ang Probinsyano” sa kanilang huling episode.



Hindi maiwasang maiyak ng mga cast lalo na ng bida sa teleserye at siya ring director nito na si Coco Martin matapos isagawa ang kanilang pambansang pasasalamat tour sa Taguig City, kahapon ng linggo.



Nagkamit din ang huling episode nito ng mahigit kalahating milyong views at hindi ito kataka taka dahil namutakti ang mga fans upang makiisa sa naturang tour upang balikan ang mga ibinigay na saya at luha ng teleserye sa loob ng pitong taon.



Kasama ni Martin ang iba pang cast member ng serye, tulad nina John Arcilla, Sharon Cuneta, Geoff Eigenmann, John Estrada, Lorna Tolentino, Angel Aquino, Shaina Magdayao, Raymart Santiago, Rowell Santiago, John Prats, at Michael de Mesa.



Naging emosyonal at naluha ang ilang cast member nang isa-isang magbigay ng kani-kanilang mga mensahe sa mga sumuporta sa programa.


Nagkaroon din ng tribute performance para sa mga yumaong beteranong aktor na sina Fernando Poe Jr., na bida sa orihinal na "Ang Probinsyano," at Susan Roces, na bumida sa serye hanggang sa kaniyang pagpanaw nitong taon.


Bago pa man ang tour, bumisita rin ang mga cast sa “ASAP natin ‘to” at sumalang din sa kantahan emosyonal na pagpapaalam.


Umere nitong Biyernes ang huling episode ng "Ang Probinsyano," kung saan may higit kalahating milyon ang sabay-sabay nanood online at samu’t-saring reaksyon ang inaninng teleseryo tulad nalang ng viral na batang ito na naglupasay matapos ang eksenang mamamatay na ang bidang karakter na si Cardo.


Pero syempre, natutuwa naman si Coco sa lahat ng mga nanood at sumubaybay at pinasalamatan din ang lahat ng mga nakasama sa trabaho dahil sa loob ng pitong taon, matinding samahan ang nabuo.


Aasahan naman lilipad na si Darana ngayong lunes na siyang kapalit ng “ang probinsyano” na pinabibidahan ni Jane de Leon.

0 views
bottom of page