top of page

MGA DRIVER SA COTABATO CITY, PABOR NA TANGGALIN ANG EXCISE TAX SA LANGIS

Alejandro M. Lasola Jr. | iNEWS Phils | March 15, 2022


Cotabato City, Philippines - Walang puknat na ang pagpapatupad ng oil price hike ng mga kompanya ng langis sa buong bansa. Katunayan, sa pinakahuling pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, halos tatlong piso hanggang limampiso ang itinaas sa kada litro ng gasolina at diesel.


Sa pag-iikot ng IMINDS PHILIPPINES sa lungsod, tinanong ng newsteam ang ilang mga driver kung pabor ba ang mga ito sa ipinapanukalang tanggalin ang excise tax sa langis.


Pero marami sa mga driver ang hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng excise tax.


Ang EXCISE TAX ay buwis na kalimitang pinapataw ng isang produkto base sa kanyang bigat at sukat.


Base sa naging pahayag ni DBM Sec. Rose Cana, noong nakalipas na linggo-

Na ipinapanukalang tanggalin ang excise tax sa langis upang maibsan ang epekto ng patuloy ng pagtaas ng presyo nito.


Sakaling maipatupad ito, ayon sa kalihim, mawawalan din umano ng pondo ang DSWD, DEpeD, DOH at ibang sangay ng gobyerno.


Kaya ang mga driver, pabor man na tanggalin ang excise tax, ayaw naman ng mga ito na mawala ang iba pang serbisyo ng gobyerno na kanilang tinatamasa ngayon tulad ng 4Ps.


End.


0 views
bottom of page