top of page

MGA EVACUEES SA BROCE ELEMENTARY SCHOOL, BINISTA NG MBHTE OFFICIALS.

FIONA FERNANDEZ I iMINDSPHILIPPINES


Tinungo ni BARMM Education Minister, Mohagher M. Iqbal at ng iba pang opisyal ng MBHTE BARMM ang mga pamilyang nagsilikas at pansamantalang nanunuluyan ngayon sa Broce Elementary School.


Nagpaabot rin ng pakikiramay ang mga opisyal sa mga pamilyang nawalan ng

Photo courtesy: MBHTE


mahal sa buhay dahil sa pananalasa ng Bagyong Paeng.


Ayon sa tanggapan, ang pagsiguro sa kapakanan at kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, iba pang MBHTE personnel at pamilya ng mga ito ang isa sa mga prioridad ng ahensya.


Pinagkalooban rin ng relief assistance ng tanggapan ng mga internally displaced persons.


End

4 views
bottom of page