Kate Dayawan | iNews | iMindsPH
Abot sa siyam na raang libong mga public school teachers ang TAtanggap ng tig-iisang libong insentibo sa darating na World Teacher’s Day ngayong Oktubre.
Ito ang inanunsyo ng Deaprtment of Education noong Martes, August 10.
aprubado na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng nasabing benepisyo na nagkakahalaga ng P910 million.
Ayon sa DepEd, ang grant na W-T-D-I-B ay paraan ng pagkilala sa mahalagang papel ng mga guro sa pagtugon sa mgahamon ng pandemya, lalo na sa pagtitiyak ng pagpapatuloy ng pagkatuto.
Nagpapasalamat ang pamunuan ng edukasyon dahil hanggang sa kanilang kasalukuyang paghahanda para sa School Year 2021-2022, mayroon pa ring 900,000 na mga guro ang patuloy na nagpapakita ng kanilang hindi matatawarang pagnanais na maglingkod at turuan ang kabataang Pilipino.
Maglalabas pa umano ng karagdagang guidelines para sa nasabing insentibo ang DepEd.
Ang World Teacher’s Day ay ipinagdidiriwang tuwing ika-lima ng Oktubre.
Samantala, nakatakda namang simulan ang School Year 2021 – 2022 sa September 13 sa pamamagitan pa rin ng distance learning.
Una nang nabigay ng limang libong piso na cash allowance ang DepEd sa mga public school teachers para pambili ng kanilang mga kagamitan sa pagtuturo, pagsasagawa ng various modes of learning at internet and communication expenses at iba pa.

Photo by: DEPED-Philippines