Mga guro ng Cotabato City Schools Division, kanya-kanyang gimik sa pagbubukas ng klase

Joy Fernandez | iNEWS | September 15, 2021


Cotabato City, Philippines - Sa pagbubukas ng klase noong araw ng lunes, ito ang pangmalakasang paghahanda ni Teacher Ram Mamadra…


Unang araw kasi ito ng pagkuha ng module ng magulang para sa kanilang anak na mag-aaral sa Cotabato City National High School--Diocolano Site.


Maaliwalas ang silid, naka-ayos din ang mga upuan at animoy naghihintay ng mga estudyante.


Sa covered court ng paaralan muna dumiretso ang mga magulang….


Siyempre, dapat sumunod sa health protocols…


Pero may inihanda ring pa raffle ang mga guro ng paaralan.


Sa taong ito, blended learning pa rin ang ipinatutupad ng mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Cotabato.



Photo by: Ram Mamadra

50 views