Kate Dayawan | iNews | November 4, 2021
Cotabato City, Philippines - Mahigit dalawang daan at limampong mga guro mula sa iba 't ibang paaralan sa Cotabato City ang nakatanggap ng food assistance mula sa Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o Bangsamoro READi ng Ministry of Interior and Local Government araw ng Miyerkules, November 3, 2021.
64 na guro mula sa Datu Ayunan National High School ang nakatanggap ng nasabing food assistance. Isang daang guro naman ang nakatanggap sa A.R. Pacheco College Inc., 50 sa Kimpo Elementary School at 35 guro naman ang nakatangap ng tulong mula sa Don E. Sero Elementary School.
Ang hakbang na ito ng BARMM READi ay tugon sa hiling ng mga guro na tulong mula sa Bangsamoro Government sa gitna ng Krisi dulot ng COVID-19 pandemic.
Samantala, nagpapatuloy naman ang BARMM READi sa tinatawag na review at assessment sa mga hiling ng iba pang sector ng lipunan.
