top of page

MGA ILOG SA BAYAN NG PIKIT, NANANATILI SA YELLOW ALERT LEVEL

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



As of 9pm kagabi, patuloy pa rin ang pagragasa ng baha sa iilang Barangay sa Pikit, North Cotabato.


Ayon kay Engr. Shiela Mae Andao, OfficeR in Charge ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Pikit, North Cotabato-


Umabot na sa yellow alert ang level ng tubig sa ilog ng bayan.


Sa ngayon, wala pang Eksaktong bilang ang PDRRMO sa mga naapektuhang pamilya pero nasa ,ahigit kumulang 27,000 affected families na ang kanilang naitala kabilang na ang mga barangay na sakop ng special geographic areas ng BARMM.


Simula kahapon ng hapon nang rumagasa ang baha, wala namang naitatalang casualty ang PDRRMO pero may iilan din silang na-rescue kagabi at bumalik din kaagad dahil humupa na kahit papaano ang baha



Anila, lagi talagang nakakaranas ng pagbaha sa bayan ng Pikit dahil ang bayan ay nasa low lying area at nagsisilbing catch basin ng ilang bayan na nasa matatataas na lugar.



Sa ngayon, patuloy pa rin ang assessment at palagi namang naka-antabay ang kanilang rescue team.

2 views
bottom of page