Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Narekober ng militar at pulisya ang isang baril at pampasabog na inabandona ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa Tipo-Tipo, Basilan matapos magsagawa ang nga ito ng security operation nitong Biyernes, August 19.
Ayon kay Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr., commander ng Western Mindanao Command, pagmamay-ari ng isang alyas Jaber ang mga ito na target ng isinagawang operasyon ng militar at pulisya.
Narekober din sa operasyon ang isang M-79 grenade launcher, 40-millimeter white phosphorous ammunition, dalawang rifle grenades, tatlong fragmentary grenades, at mga bala ng caliber .30z
Pinangunahan naman ng 39th Explosive Ordnance Disposal Team ang disposisyon ng nga narekober na pampasabog.