top of page

MGA KANDIDATO NG UBJP SA LALAWIGAN NG MAGUINDANAO, HINDI PINALAD SA PROVINCIAL ELECTIVE POSTS

Kael Palapar

COTABATO CITY - Matapos maiproklama si Cotabato City mayor-elect Bruce Matabalao, vice mayor-elect Butch Abu at pito pang konsehal sa ilalim ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP sa lungsod, bigo namang makakuha ng provincial elective positions sa lalawigan ng Maguindanao ang marami sa kanilang kapartido.


Tinalo ni incumbent Governor at relectionist Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ng Nacionalista Party ang dating Maguindanao Governor at kasalukuyang Congressman ng Maguindanao 2nd District, Toto Esmael Mangudadatu na tumakbo sa ilalim ng UBJP.


Hindi rin pinalad makuha ng UBJP vice-gubernatorial bet Bai Sandra Sema ang position matapos manalo bilang bise-gubenardor ng lalawigan ang runningmate ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na si Bai Ainee Sinsuat.


Wagi rin bilang Congresswoman ng Maguindanao 1st district with Cotabato City si Bai Dimple Mastura ng Nacionalista Party na tinalo ang incumbent Congressman ng Maguindanao 1st district with Cotabato City Datu Roonie Sinsuat na tumakbo rin sa ilalim ng UBJP.


Bigo ring manalo si Dong Mangudadatu bilang kongresista ng Maguindanao 2nd District matapos makakuha ng mas mataas na bilang ng boto si Tong Paglas ng Nacionalista Party.


Samantala, dalawa lamang sa mga tumatakbong kandidato ng UBJP ang pinalad makakuha ng posisyon sa provincial board members sa una at pangalawang distrito ng lalawigan.


Ito ay sa katauhan nina Alexa Ashley Tomawis at Thong Abas.


Walo sa sampong provincial board members sa una at pangalawang distrito ng lalawigan ng Maguindanao ay nagmula sa ilalim ng Nacionalista Party.


Ito ay sina Datu Sharifudin Mastura, Mashur Biruar, Rommel Sinsuat, Nathaniel Midtimbang, Bobby Midtimbang, Kaka Jeng Macapendeg, Yussef Abubakar Paglas at Alonto Bangkulit Jr.


Ang United Bangsamoro Bangsamoro Justice Party o UBJP ang opisyal na political party ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

150 views
bottom of page