FIONA FERNANDEZ I iMINDSPHILIPPINES

Perwisyo ang dala ng mga Water Hyacinths sa mga residenteng nakatira malapit sa ilog. Kapag dumarami na at nakukumpulan ang mga Water Hyacinth, tumataas ang lebel ng tubig.
Bukod sa nagpapatuloy na clearing operation at pagsasaayos ng mga tulay na hindi nadadaanan dulot ng hagupit ng bagyong Paeng, abala rin ang Ministry of Public Works sa pagtatanggal ng mga Water Hyacinth sa Rio Grande De Mindanao sa ilalim ng Delta Bridge.
Mahalaga umano ang pag-aalis ng mga water Hyacinths dahil ito ang isa sa mga dahilan kung bakit binabaha ang ilang Barangay lalo na sa tabing ilog kahit hindi umuulan.
End