top of page

Mga kumpanya ng langis, muling magpapatupad ng Oil Price Hike bukas!

Joy Fernandez | iNEWS | October 25, 2021



Cotabato City,Philippines - Inaasahan ang ika-siyam na oil price hike bukas, araw ng martes ayon sa mga taga industriya ng langis.


Batay sa pagtatanya, maglalaro mula P1.10 hanggang P1.50 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina, P0.30 hanggang P0.40 ang taas-presyo sa diesel, at P0.50 hanggang P0.60 naman ang taas-presyo sa kada litro ng kerosene.


Sa pahayag ng mga taga-industriya, bumaba na ang presyo ng langis sa world market noong Martes hanggang Huwebes, pero muli namang umakyat noon ring araw ng huwebes.


Asahan pa ring pataas ang direksyon ng presyo ng langis dahil sa kakulangan ng suplay ito.





1 view
bottom of page