MGA LABI NI DATU JAMAEL SINSUAT, INILIBING NA; SEGURIDAD SA LUGAR, PATULOY PA RING HINIHIGPITAN
Fiona Fernandez I iNEWSPHILIPPINES

Bantay sarado pa rin ng mga pulis at militar ang Datu Odin Sinsuat, Maguindanao— dalawang araw matapos maganap ang pamamaril sa Barangay Dalican sa lugar.
Inihatid na sa huling hantungan si dating barangay kapitan Datu Jamael Sinsuat. Bumuhos naman ng pakikiramay at pakikisimpatya sa naiwang pamilya ng biktima.
Sa ngayon, hindi pa natutumbok ng mga pulis ang motibo sa krimen at wala pa rin itong sinusundang lead kaugnay sa salarin. Inaalam pa rin ang identity ng tinuturong suspected gun man na nasawi din sa insidente.
Lahat umano ng posibleng anggulo ay ikokonsidera ng Pulisya.
Si Datu Jamael Sinsuat ay kumandidatong alkalde sa bayan ng Datu Odin Sinsuat noong Mayo pero hindi ito pinalad.
Tiyuhin siya ng kasalukuyang alkalde ng bayan na si Datu Lester Sinsuat. Noong Biyernes, naglabas ng pahayag ang alkalde, kinondena nito ang pagkakapaslang sa kanyang tiyuhin.
Kinondena rin ng pamunuan ng United Bangsamoro Justice Party ang pagkakapaslang kay Datu Jamael Sinsuat. Hiniling ni UBJP Vice President Mohagher Iqbal na irelieve na sa pwesto si DOS PNP Chief, Police Colonel Erwin Tabora.
Araw ng sabado nang pinalitan si LTCOL Erwin Tabora bilang Chief of Police ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station.
Umupo bilang bagong COP si PMAJ Janz Vladimir Hilarion.
Tinungo ng newsteam ang pamilya ni dating Barangay Kapitan Jamael Sinsuat..
Tumanggi muna ang pamilya na magbigay ng pahayag sa ngayon, pero nangako silang magsasalita sa takdang panahon.
end