top of page

Mga miyembro ng dalawang MILF-BIAF Base Commands na mayroong alitan, pinagkasundo!

Kate Dayawan | iNEWS | October 26, 2021


Cotabato City, Philippines - Sa hangaring makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa lalawigan ng Maguindanao, isa sa mga hakbang na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan ay ang paglulunsad ng rido settlement sa mga pamilya o grupong mayroong hindi pagkakaunawaan.

Noong Biyernes, October 22, matagumpay na napag-ayos ng Shariff Aguak LGU sa pamumuno ni Mayor Marop Ampatuan ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) na nasa ilalim ng 105th at 118th Base Command.


Ang pagsasaayos ng alitang ito ay “internal” na sakop ng mga base commander, ngunit nais ni 118th Base Commander Ustadz Hadji Wahid Tundok at 105th Base Commander Ustadz Abdul Haw Ibrahim na mamagitan ang alkalde katuwang ang bise alkalde ng bayan na si Datu Akmad Mitra Ampatuan.


Dumalo naman sa nasabing rido settlement sina CCCH Chairman Butch Malang at AHJAG head Anwar Alamada.


Saksi rin ang mga Battalion Commander ng 33rd IB at 1Mechanized Battalion Armor na sina LtCol. Benjamin Cadiente Jr. at LtCol. Cresencio Sanchez Jr. Maging ang Provincial Director ng Maguindanao Police Provincial Office LtCol. Jibin Bongcayao at iba pang mga opisyal ng bayan.




1 view
bottom of page