MGA MIYEMBRO NG GABINETE NG BARMM GOVERNMENT KABILANG NA ANG MGA MINISTERS NG IBA’T-IBANG MINISTRIES

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES


Pormal nang nanumpa ang mga miyembro ng gabinete ni BARMM Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim kabilang na ang mga ministers ng iba’t ibang ministries sa rehiyon. Halos lahat, re-appointed, at tanging ang Ministry of Transportation and Communication ang may bagong minister.


Pinalitan ni MP Paisalin Tago si Minister Dickson Hermoso sa Ministry of Transportation and Communication.


Sa Ministry of Health naman, wala pang opisyal na Minister na itinalaga pero nanatiling Deputy Minister si Dr. Zul Qarneyn Abas.


Base sa opisyal na listahan, labing apat ang itinalaga sa ministerial post habang labing lima naman ang deputy minister.


Nanatili naman sa posisyon si MILG Minister, Atty. Naguib Sinarimbo. Sinabi ng opisyal na agad na uupo at mamumuno ang bagong talagang mga opisyal.


Para sa Ministerial post, nanumpa na si Akmad Brahim ng MENRE, Muslimin Sema ng MOLE, Atty. Ubaida Pacasem ng MFBM, Engr. Aida Silongan ng MOST, Atty. Raissa Jajurie ng MSSD, Eduard Guerra ng MPW, Mohagher Iqbal ng MBHTE, Atty. Paisalin Tago ng MOTC, Abuamri Taddik ng MTIT, Atty. Naguib Sinarimbo ng MILG, Hamid Barras ng MHSD, Mohammad Yacob ng MAFAR, Hussein Muñoz ng MPOS, at Melano Ulama ng MIPA.


Nanumpa rin bilang deputy ministers sina Muslimah Asmawil ng MENRE, Tommy Nawa ng MOLE, Amilbahat Amilasen ng MFBM, Edsel Jilhano ng MOST, Nur-Ainne Lim ng MSSD, Abdul Tomawis ng MPW, Heron Meling ng MBHTE, Muhammad Abbas ng MOTC, Atty. Sukarno Abas ng MTIT, Abunawis Maslamama ng MILG, Ammal Solaiman ng MAFAR, Abdulkudos Balitok ng MPOS, Guiamal Abdulrahman ng MIPA.


Nanumpa na rin sina Ali Solaiman bilang Deputy Chief Minister for North Central Mindanao; Albakil Jikiri bilang Deputy Chief Minister for South Western Mindanao; Abdulraof Macacua bilang Senior Minister; Atty. Sha Elijah Datumama-Alba bilang Attoney-General; Mohd Asnin Pendatun, bilang Cabinet Secretary;Abdullah Cusain bilang Assistant Senior Minister; Alvin-Yasher Abdulgafar bilang Chief of Staff; Engr. Mohajirin Ali, bilang Director General ng Bangsamoro Planning and Development Authority (BPDA).


Samantala, si Butch Malang naman ang itinalaga bagong Special Geographic Area Administrator.


Ang mga bagong upong opsiyal at aasahang mananatili hanggang taong 2025.

0 views