Joy Fernandez | iNEWS | October 25, 2021
Cotabato City, Philippines - Pinangunahan ni Buldon Mayor Abolais Manalao ang isinagawang Iranun Peace Summit sa bayan, a bente ng oktubre na may temang “Kalilintad ko Iranun, Ompia ko Iranun”.
Layon nito ang pakikiisa ng lokal na pamahalaan sa paglaban kontra terorismo at terrorist group sa bayan.
Nagkaroon rin ng Rido Settlement at pagsuko ng mga matataas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng:
Isang Cal. 30 Browning Automatic Rifle
Isang Cal. 50 Homemade Barret
Isang Cal. 30 M1 Garand Rifle
isang R4A3 Remington 5.56mm Rifle
isang M16 A1 Rifle
dalawang M14 7.62mm Rifles
at isang Cal. 45 Pistol
pinuri naman ni Joint Task Force Central at 6th Infantry Division Commander, Major General Juvymax Uy ang naging hakbang ng lokal na pamahalaan ng buldon at PNP Pro BARMM sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bayan.
