top of page

MGA OPISYAL NG BARMM, UMAPELA SA COMELEC NA PAYAGANG BUMOTO SA 2022 LOCAL ELECTIONS ANG MGA RESIDENT

Kate Dayawan| iNews | January 6, 2022


Courtesy: google photo



Cotabato City, Philippines - Isang araw matapos na isapubliko ng Commission on Election ang Minute Resolution number 21-0953 noong Lunes, January 3, agad na umapela ang mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa COMELEC upang payagan ang mga rehistradong botante na nakatira sa 63 Special Geographic Areas ng BARMM na bumoto sa 2022 local elections.


Sa pahayag ni BARMM Spokesperson at Interior and Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo, tinanggalan ng nasabing resolusyon ang mahigit 200,000 SGA constituents ng kanilang karapatan na bumoto at pantay na proteksyon ng batas.


Ani Sinarimbo, bagamat naging bahagi na ng BARMM ang 63 barangay sa North Cotabato, hindi pa umano naililipat ang mga ito sa tamang Local Government Units alinsunod sa Organic Law.


Iginiit pa nito na ang Internal Revenue Allotment o IRA ng North Cotabato at mga SGA municipality, ang populasyon, land area at income ng 63 barangay ay nagmumula pa rin sa North Cotabato at sa kani-kanilang bayan at dahil dito, marapat laman umano na ireprensta ang mga botante dito at dinggin ang kanilang mga apela.


Base sa COMELEC resolution, pinapayagan lamang na bumoto para sa national position ang mga rehistradong botante ng SGA dahil sa hindi pa umano natutukoy kung saang local government unit napabilang ang mga ito.

25 views
bottom of page