top of page

MGA PAMAMARIL SA PARANG


Pinasusumikapan ng bayan ng Parang, Maguindanao na hindi na masusundan pa ang nangyaring pamamaril sa Barangay Kapitan at Barangay Kagawad ng Polloc. Ayon kay Parang Mayor Cahar Ibay, nagpapatuloy ang pagtugis ng otoridad sa mga suspek sa krimen. Ayon sa alkalde, hindi pa natukoy sa imbestigasyon kung may kinalaman ba ang pamamaslang sa pulitika.


Dalawang insidente na ng pamamaril ang naitala sa Parang, Maguindanao del Norte ngayong 2023 kung saan biktima ang mga local elected officials at asawa ng mga ito.


January 30, 2023 nang tambangan ng hindi pa kilalang mga salarin ang sasakyan ni Polloc Barangay Captain Abobakar Abdul. Nasawi sa ambush ang kapitan at kanyang maybahay.


April 18, 2023 naman nang lapitan at barilin ng dalawang armado ang minamanehong sasakyan ni Polloc Barangay Kagawad Abdulmalik Uban sa Poblacion ng bayan.


Nasawi ang kagawad at ang asawa nito sa krimen na sapul pa sa CCTV.


Ayon kay Parang Mayor Cahar Ibay, walang tigil ang kanilang pagtututok para sa ikalulutas ng kaso.


Tuloy-tuloy din ayon sa alkalde ang pagtugis ng otoridad sa mga may gawa ng krimen.


Sa ngayon, nagtutulungan na ang mga opisyal sa bayan ng Parang, Matanog, Buldon, Barira at Sultan Mastura sa pagtugon sa ano mang uri ng krimen.


Ayon sa alkalde, hindi pa natukoy sa imbestigasyon kung may kinalaman ba ang pamamaslang sa pulitika.

11 views0 comments

Recent Posts

See All