top of page

Mga pambato ng UBJP para sa Provincial Post sa Maguindanao sa Halalan 2022, pormal nang ipinakilala

Kate Dayawan | iNEWS | October 6, 2021


Cotabato City, Philippines - Pormal nang ipinakilala ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP ang kanilang manok para sa provincial post ng Maguindanao sa darating na National and Local Elections sa 2022.


Tatakbong gobernador ng lalawigan si incumbent Maguindanao 2nd District Representative Esmail "Toto" Mangudadatu.


Si dating 1st District Congresswoman Bai Sandra Sema naman ang Vice Governor nito.


Muling kakandidto sa congressional race sa unang distrito ng Maguindanao si incumbent congressman ng Roonie Sinsuat.


Sa hanay ng mga tatakbong board members nito ay sina Bimbo Sinsuat, Alexia Ashley Tomawis, Bobstell Sinsuat, Montasir Esmael at Abdulnasser Thong Abas.


Para naman sa 2nd District, tatakbong congressman si Zajid Mangudadatu at kasama sa listahan ng kanyang mga board member sina King Jhazzer Mangudadatu, DJ Parok Mangudadatu, Glenn Youssef Piang, Teng, Madidis at Abdulatip Sabpal.


Kamakailan lang ng manumpa ang mga ito bilang miyembro ng UBJP sa pinamumunuan ni BARMM Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.




78 views
bottom of page