Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 15, 2022

Photo courtesy : MSSD
Cotabato City, Philippines - Abot sa 1,619 na mga pamilya ang naapektuhan ng pagbaha sa Lamitan City, Basilan.
Kaya naman agad na nagpaabot ng tulong ang Ministry of Social Services and Development BARMM sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office.
Sa report mula sa Lamitan City CSWDO, kabilang sa mga nasalantang pamilya na nakatanggap ng ayuda ang 658 mula sa Barangay Matibay, 361 sa Barangay Limo-ok, 286 sa Barangay Malinis, 197 sa Barangay Sengal at 117 naman sa Barangay Maligaya.
Nalubog sa baha ang mga nasabing lugar dahil sa matinding buhos ng ulan dulot ng low pressure area.
Nagbigay naman ng logistical support ang City Government ng Lamitan at City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamamahagi ng relief assistance.
End.