top of page

MGA PILIPINONG BAYANING ATHLETA, GAGAWARAN NG PARANGAL NGAYONG ARAW

Alejandro M. Lasola Jr. | iNEWS Phils | March 14, 2022

Photo courtesy : News.ABS-CBN.com


Cotabato City, Philippines - Bibigyan ng parangal ngayong araw ang mga Olympic Heroes ng bansa sa gaganaping SMC -Philippine Sportwriters Association Awards Night.


Ang Star of the Night ay si HIDILYN DIAZ, na kilalaning Athlete of the Year ng PSA.


Si Diaz ay nakabigay ng di-malilimutang pagkataon sa talaan ng Phil Sporting History nang makamit nito ang unang ginto ng bansa sa Tokyo Olympic noong nakaraang taon nang i-domina nito ang 55 kilogram class Weightlifting.


Ito na ang pangatlong pagkakataon sa loob ng anim na taon na kinilala ang Zamboangeña.


Una na itong ginawaran ng Individual Award kung saan hinirang din ito bilang Athlete of the Year 2016 nang makuha ang Silver Medal sa Rio Olympic, at medalyang ginto naman sa 2018 Asian Games.


Si Diaz ang nanguna sa 39-man Awardee kasama rito ang iba pang medalist participants sa 2021 Tokyo Olympic at Paralympics.


Dalawang pinoy naman na World Champion na sina Golfer Yuka Saso at gymnast Carlos Yulo ay gagawaran din ng Presidential Award, ni PSA President Rey Lachica ang sport editor ng Tempo.


Ganun din sina Olympic silver medalist Carlo Paalam at Nesty Patecion at Bronze winner Eumir Marcial, billiard champion Carlo Biano, Pole Vaulter Ej Obiena, gram slam winner Alex Eala, at boxing champion Nonito Donaire Jr. Jerwin Ancajas at Johnriel Casimero.


End




2 views
bottom of page