Kate Dayawan | iNEWS | September 17, 2021
Cotabato City, Philippines – Kasabay ng selebrasyon ng National Tourism Month, naglunsad ng Tourism Investment Product Display and Trade Fair ang Arts, Culture, Tourism, and Museum (ACTM) Unit ng Provincial Government ng South Cotabato.
Tampok dito ang iba’t ibang klase ng produkto na gawa mula sa iba’t ibang bayan at syudad ng South Cotabato. A kinse ng Setyembre nang pormal na binuksan ang nasabing fair na matatagpuan sa 4th floor ng KCC Mall of Marbel.
Hinihikayat ng ACTM ang publiko na bisitahin suportahan ang Tourism Investment Product Display and Trade Fair upang matulungan ang mga local artisans at tourism-related businesses na ibenta ang kanilang mga produkto.
Mayroonmang kinakaharap na pandemya ay tuloy pa rin sa paghahabi ang sektor ng turismo sa South Cotabato. Magtatagal ng hanggang sa September 30 ang product display at trade fair.
