MGA PROGRAMANG PANG-AGRIKULTURA NG PROVINCIAL GOVERNMENT NG MAGUINDANAO, NAGPAPATULOY PA RIN
Kate Dayawan

(Photo Courtesy to: Agila ng Maguindanao Facebook page)
MAGUINDANAO - Araw ng Sabado, May 28, muling hinandugan ng animnapung litro ng herbicides ng Provincial Government ng Maguindanao sa pamamagitan ng Arm-to-Farm Program nito ang mga MILF-BIAF Combatants Farmer-beneficiaries sa Barangay Guinibong ng Datu Abdullah Sangki.
Ang mga nasabing herbicides ay magagamit umano ng mga magsasaka sa ika-4th cycle ng produksyon ng palay sa lugar.
Samantala, agad namang tinugunan ng Provincial Government ng Maguindanao sa direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang kahilingan ng mga residenteng magsasaka sa Barangay Mao, Datu Abdullah Sangki na ayusin ang patubigan ng kanilang sakahan sa lugar.
Agad na nagpadala ng tauhan sa lugar at inayos ang nasbaing patubigan na nagiging sanhi rin ng pagkasira sa mga panananim ng mga ito kapag bumabaha dahil sa malakas ang buhos ng ulan.
Lubos namang nagpapasalamat ang mga mamamayang magsasaka ng Maguindanao sa tulong na inihandog sa kanila ng Provincial Government