top of page

MGA RESIDENTE NG BARANGAY CALAWAG, PIKIT, UMAALIS SA KANILANG BAHAY TUWING GABI DAHIL SA TAKOT.

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Tinungo ng IMINDSPHILIPPINES ang Barangay Calawag, Pikit, Cotabato-ang lugar na nilusob ng mga armado at pinaputukan ang mga bahay ng mga residente sa lugar.


Makikita sa mga bubong, kisame, dingding at bintana ng mga bahay ang bakas ng tama ng bala.


Matutulog na ang pamilya ni Ressa Perenal noong gabi ng Miyerkules nang lusubin at paputukan sila ng mga armado


Sabi ng ina ni Ressa halos tatlumpong minuto silang pinaulanan ng bala ng mga armado.


Inabutan ng newsteam ang ilang residente na naghahanda na sa paglikas sa kanilang barangay patungo sa sentro ng bayan kung saan naroon ang kanilang mga kamag anak upang doon pansamantalang tumuloy.


Hindi pa raw sila kampante sa sitwasyon, kaya minabuti nilang umalis muna tuwing gabi.


Bumabalik na lamang sila tuwing umaga upang maglinis at mapakain ang mga alagang hayop.


Ayon sa hepe ng Pikit PNP, PMAJ Maxim Peralta, paghihigante ang isa sa mga anggulong kanilang tinitingnan na motibo sa panggugulo ng mga armado.


Sa ngayon, naka alerto pa rin ang otoridad sa lugar upang matiyak na hindi na masundan pa ang nangyaring insidente.


End


2 views
bottom of page