top of page

MGA RESIDENTE NG CABULING, BANGA, NAGPAKITA NG PAGSUPORTA KAY SOUTHCOT GOVERNOR TAMAYO

Kate Dayawan

SOUTH COTABATO - Nakita umano ni South Cotabato Governor at re-electionist Reynaldo Tamayo Jr. ang pagkakaisa ng mga mamamayan ng Barangay Cabuling sa bayan ng Banga nang bumisita ito kasama ang kanyang provincial slate upang mangampanya.


Nakita umano ng gubernador kung paano nagsama-sama ang kanyang mga kababayan upang magpakita ng suport sa kanilang ipinaglalaban.


Magkaiba man umano ang mga tribo at paniniwala nito ay makikita naman umano ang pagkakaisa ang lahat at parehong naghahangad ng isang gobyernong nagbibigay ng tama at maayos na serbisyo, walang diskriminasyon at pantay-pantay ang pagtingin sa bawat mamamayan.


Lubos na nagpapasalamat ang gubernador at patuloy na nananawagan na ipagpatuloy pa ang pagkakaisa at tiniyak nito na magpapatuloy rin ang pag-angat sa probinsya ng South Cotabato.


4 views
bottom of page