MGA RESIDENTE NG COTABATO CITY AT LANAO DEL SUR, NAKATANGGAP NG TULONG MULA SA BANGSAMORO READI

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Patuloy pa rin sa pamamahagi ng tulong o relief assistance ang Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o Bangsamoro READi, ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) BARMM, para sa mga residente ng Cotabato City at Lanao Del Sur.


Kahapon, tinungo ng Bangsamoro READi ang Masiu, Lanano del Sur, upang ipa-abot ang relief assistance sa mahigit pitong daang pamilyang apektado ng pagbaha dahil sa madalas na pag-ulan na nararanasan sa munisipyo at nagresulta sa pagbaha ng labing isang barangay sa nasabing bayan.


Samantala, nitong September 18, hinandugan din ng BARMM READi ang mga residente sa Kalanganan 2 ng Cotabato City na kung saan, abot sadalawang libong mga pamilya ang nagbenepisyo sa relief assistance mula sa ahensiya.

2 views