iMINDS Philippines | February 14, 2022

Photo courtesy : Provincial Govt of Maguindanao
Cotabato City, Philippines - Ang mga residente ng barangay ng Buliok,Dalgan, at Kalbugan ang nahandogan ng serbisyong medikal at outreach program ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao.
Isinagawa ito sa bahay ng Founder ng MILF na si Late Amerul Mujahidin Ustadz Hashim Salamat.
Bukod sa nasabing Serbisyong Medikal ay pinagkalooban din ng 1, 500 packs ng relief goods, Libreng Salamin at Libreng Wheel Chairs para sa mga PWD at naparalisang pasyente at libreng arozcaldo ang mga residente.
Nagpapasalamat naman ang agila ng Maguindanao, Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa suportang ibinigay ng mga miyembro ng MILF sa lugar.
End.