Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Sako sakong bigas at iba pang tulong pagkain ang inhandog ng provincial government ng Maguindanao sa mga residente binaha sa bayan ng Talitay, Datu Salibo, at Pagalungan.
Walang tigil na ang pamamahagi ng tulong ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa mga binahang residente simula nang ideklara ang state of calamity sa buong lalawigan.
Mahigit dalawang daang libong residente sa buong probinsya ang apektado ng baha dulot ng walang tigil na buhos ng ulan dulot ng iba’ ibang sama ng panahon.