top of page

MGA TITULO NG LUPA, BINHI AT ECC, IPINAMAHAGI NG MENRE SA SELEBRASYON NG BARMM ANNIVERSARY

Kate Dayawan | iNews | January 19, 2022


Courtesy: MENRE-BARMM


Cotabato City, Philippines - Labing walong titulo ng lupa, 60 binhi at isang Environmental Compliance Certificate ang ipinamahagi ng Ministry of Environment, Natural Resources and Energy sa mga kliyente at partner nito sa selebrasyon ng 3rd Founding Anniversary ng Bangsamoro Region. Sa labing walong titulo ng lupa, labing apat dito ang ibinigay sa mga aplikante mula sa Maguindano, tatlo naman ang nakatanggap mula sa Basilan at isa ang mula sa Tawi-Tawi. Ang animnapung binhi naman na binubuo ng 30 giant bamboo at 30 dao ang itinurn-over sa Office of the Chief Minister at sa mga ministeryo ng Bangsamoro Government. Habang ang ECC naman ay ibinivah sa Al-Muzafar Agriventure, Inc., isang banana producer sa Maguindanao na ini-export patungong China, Japan at Middle East. Isa sa mga mandato ng MENRE ay ang maayos na mapangasiwaan at matugunan ang mga land-related concerns and matters, mapangalagaan at maproteksyunan ang Bangsamoro forests and wetlands at masigurong sumusunod ang mga business sector stakeholders sa umiiral na environmental laws, rules and regulations. Sinabi ni MENRE Minister Abdulraof Macacua na patuloy nilang isasakatuparan ang kanilang mandato upang maproteksyunan ang environmental rights ng bawat isa. Samantala, sinabi naman ni Director Eshan Karl Mabang ng Land Management Services ng MENRE na committed umano ang ministeryo sa pagbibigay ng maayos na land-related services sa bawat kliyente nito lalo pa at ipinapatupad ngayon ang Document Tracking and Archiving of Land Records and Patent Application o DALPA program

16 views
bottom of page