Kate DAyawan | iNEWS | November 26, 2021

Photo courtesy : Bangsamoro READi
Cotabato City, Philippines - Bilang tugon sa kahilingan ng Cotabato City Tricycle Transport Welfare Association, Inc., nabigyan ng food assistance ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o Bangsamoro READi ng Ministry of Interior and Local Government - BARMM ang mga miyembro nito.
Kahapon, November 24, abot sa mahigit 300 tricycle drivers ang nabigyan ng food assistance mula sa buong lungsod ng Cotabato.
Malugod namang nagpapasalamat ang mga tricycle driver sa ayudang natanggap mula sa Bangsamoro Government.
Samantala, Wala pa ring tigil sa pamamahagi ng tulong ang Bangsamoro READi sa mga nangangailangan lalo na sa mga sektor ng lipunan na lubos na naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19.