MGA USTADZ SA IBA’T IBANG MADRASAH SA TAMPARAN, LANAO DEL SUR, HINANDUGAN NG BIGAS NGAYONG RAMADHAN

Hinandugan ng bigas ng tanggapan ni Deputy Speaker Atty. Paisalin Tago ang mga Ustads sa iba’t ibang Madrasah sa Tamparan, Lanao del sur.
Pinagkalooban ng tanggapan ni Deputy Speaker Atty. Paisalin Tago ng bigas ang ang mga Ustads sa iba’t ibang Madrasah sa Tamparan, Lanao del sur.
Isinagawa ang distribusyon noong April 17, 2023.
Tumanggap ang isang daan at limampung ustadz ng tig 25 kilos ng bigas. Bukod dito, pinagkalooban rin ang mga ito ng cash assistance.
Nagpapasalamat naman si Deputy Speaker Tago sa Government of the Day sa patuloy na suport sa kanyang mga aktibidad.