Kate Dayawan | iNEWS | September 9, 2021
Cotabato City, Philippines - Nakatengga pa rin sa planta ng supplier ng Amai Pakpak Medical Center sa probinsya ng Lanao del Sur ang mga walang laman na oxygen tank na sana’y gagamitin para sa mga COVID-19 patient.
Base sa Facebook Page ng APMC Public Health Unit, araw pa ng Biyernes nakatakdang dumating ang mga stocks ng supplier.
Patuloy na naghihintay ang pamunuan ng APMC na mabigyan ng supply ng oxygen. Ayon sa pamunuan ng ospital, araw-araw na nadagdagan ang bilang ng mga nagpopositibo sa sakit na COVID-19.
Noong araw lamang ng Lunes, inanunsyo ang pagkakaroon ng Delta variant ng COVID-19 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at kinumpirma ni Health Minister Dr. Bashary Latiph na sa lalawigan ng Lanao del Sur at Marawi City nagmula ang mga nasabing kaso.
