MID-YEAR BONUS

MGA REGULAR EMPLOYEES NG DATU ODIN SINSUAT LGU, NATANGGAP NA ANG KANILANG MID-YEAR BONUS NA KATUMBAS NG ISANG BUWAN NA SAHOD
Municipality of Datu Odin Sinsuat - Natanggap na ng mga regular employees ng Datu Odin Sinsuat LGU ang kanilang Mid-Year Bonus na katumbas ng isang buwang sahod.
Patuloy ang pagsusumikap ng Datu Odin Sinsuat LGU na maihatid ang serbisyo publiko sa taombayan at maibigay sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan ang nararapat na benepisyo. ng mga ito.
Kasunod ng anunsyo ng Department of Budget of Management hinggil sa pagbibigay ng Mid-Year Bonus sa mga regular employees ng pamahalaan, agad ipinagkaloob ni Mayor Datu Lester Sinsuat ang mid-year bonus ng kanilang mga regular empleyado na katumbas ng isang buwang basic pay.
Ayon sa alkalde, malaking tulong ito sa mga empleyado lalo na sa gastusin ng kanilang mga pamilya sa pang araw-araw.