top of page

MILF-AHJAG, NAGHAIN NG PORMAL NA REKLAMO KAUGNAY SA LIST OF MOST WANTED PERSON NG PNP

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Naghain ng pormal na reklamo sa GPH-MILF Peace Implementing Panel si MILF-Adhoc Joint Action Group Chair Anwar Alamada.


Ito’y matapos maglabas ng listahan ang PNP hinggil sa mga wanted persons kung saan kabilang ang ilang miyembro ng MILF.


Naghain din ng pormal na reklamo ang opisyal sa tanggapan ng GPH-MILF Coordinating Committees on the Cessation of Hostilities.

Photo courtesy : Anwar Alamada, Ahjag Chair


Dagdag nito, may proseso na sinusunod sa pagberipika ng mga miyembro ng MILF


Aminado si Alamada na ang mga miyembro ng MILF na nasa inilabas na wanted list ng PNP ay may mga kaso, pero matagal na umano itong nadismiss.


Hinihintay pa ni MILF AHJAG Chair Anwar Alamada ang resulta ng inihaing pormal na reklamo. Umapela ito sa otoridad na hangga’t maari ay dumaan sa tamang proseso at sumunod sa protocol.



End

0 views
bottom of page