top of page

MILF-BIAF COMBATANTS BENEFICIARIES, NAKATANGGAP NG FARM INPUTS MULA SA MAKABAGONG MAGUINDANAO

Amor Sending | iNEWS | November 22, 2021

Photo courtesy : Babai A Kasaligan


Cotabato City, Philippines - Araw ng Sabado, nang muling magtungo ang Agila A2F team sa Munisipyo ng Ampatuan at South Upi, upang mamahagi ng Farm inputs para sa 2nd cycle ng Corn Production Components-


Ang mga MILF-BIAF beneficiaries na nasa ilalim ng 106th Base Command ay nakatanggap ng isang daang sako ng Hybrid Corn Seeds, higit sa pitong daang sako ng abono, tatlumpong galon ng herbicide na laan para sa isang daan at tatlumpot tatlong hektarya ng lupa.


Labis naman ang pasasalamat ng mga MILF-BIAF COMBATANTS Beneficiaries kay Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, matapos ang matagumpay na pamamahagi ng farm inputs ng A2F team sa mga ito.

Ang AGILA ARMS TO FARM PROGRAM ay naglalayong tumulong at i-empower ang mga MILF-BIAF farmers na nakatira sa mga lugar na apektado ng kaguluhan sa lalawigan ng Maguindanao. Layon din ng programa na mabago ang mga pamayanan na ito na maging produktibo upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.



7 views
bottom of page