Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Sa isinagawang 22nd Annual General Assembly ng mga Committee fronts ng MILF, nitong linggo, September 25, nagbalik tanaw sa kasaysayan ang Islamic revolution sa Bangsamoro Homeland.
Sa pangunguna ni Chairman Al-Haj Murad Ebrahim, inalala nito ang pagtutulungan ng mga rebolusyonaryo at Mujahideen
Photo Courtesy: MILF Chair Official upang palakasin ang Islamization at
ipaglaban ang kanilang karapatan.
Ibinahagi din ng MILF-Central Committee Chairman ang kasalukuyang estado ng mga programa at proyekto sa Bangsamoro Regional Government at ang pananaw ni Pangulong Bongbong Marcos sa peace process.
Binigyang diin ng opisyal na nagpapatuloy ang Jihad at mananatili ang MILF, ngunit hindi bilang isang rebolusyonaryong grupo, kung hindi bilang isang kilusang panlipunan.