MILF, NIRERESOLBA NA ANG GULO SA PAGITAN NG MGA MIYEMBRO NITO SA IBA’T IBANG BAYAN SA MAGUINDANAO

Nireresolba na ng Moro Islamic Liberation Front ang gusot sa pagitan ng mga miyembro nito sa iba’t ibang bayan sa Maguindanao at SGA. Ayon kay BARMM Senior Minister at kasalukuyan ding spokesperon ng BIAF-MILF Abunawas Maslamama o Von Alhaq, maaring maka apekto sa liderato ng BARMM kapag hindi naagapan ang mga nangyayaring gulo.
Puspusan ngayon ang paresolba ng MILF sa mga
gusot sa pagitan ng mga miyembro nito sa iba’t ibang bayan sa dalawang lalawigan ng Maguindanao at SGA.
Ito ang sinabi ni BARMM Senior Minister Abunawas Maslamama o Von Alhaq na siya ring kasalukuyang spokesperon ng BIAF-MILF
Pinabagong girian na naitala sa pagitan ng mga miyembro ng MILF ay sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Labimpitong mga bahay at establishimento ang nasunog sa kasagsagan ng girian sa Barangay Dapiawan, at lumikas ang maraming residente ng Elian, Gawang at Madia dahil sa takot na madamay sa gulo.
Mahirap hindi na maresolba baka maka apekto sa liderato ng BARMM.